Lights, Camera, Action! πŸ“ΈπŸŽ₯

  Sinasabing ang Dula ay nagsimula sa salitang Griyego na “drama” na nangangahulugang ikilos o isagawa. Isa itong uri ng Panitikan na nahahati sa tatlong yugto na maraming tagpo. Pinakalayunin nitong itanghal ang mga tagpo sa isang tanghalan o entablado.

 
  Ang Dula ayon kay Aristotle ay “isang sining ng panggagaya o pang-iimita sa kalikasan ng buhay”. Ipinapakita nito ang reyalidad sa buhay ng tao gayundin ang kanyang mga iniisip, ikinikilos at isinasaad.

  Ayon naman kay Tiongson, “ang dula ay binubuo ng iskrip, kasuotan, tanghalan at karakterisasyon”

  Ang gawain sa araw na ngayon ay may kaugnayan sa isa sa mga Uri ng Panitikan, ang Dula. Ito ay “Makapagsagawa/makapagtampok ng isang klase ng maikling Dula sa klase” at tatawagin ang aktibiti na ito na “Lights, Camera, Action! πŸ“ΈπŸŽ₯”

Narito ang gabay kung papaano isasagawa ang aktibiti.

Story board.
Pagkatapos maisagawa ang dula ay narito naman ang batayan sa pagmamarka.

Nakatala na sa itaas ang paraan kung paano isasagawa ang gawain at ang paraan ng pagmamarka.
  Bilang isang estudyante at leader ng aming pangkat ay nahirapan akong gawin ang aming gawain ngunit nagbigay naman ito ng mga aral at humubog sa aming mga abilidad. Una, dahil sa may kakaibang paraan ng pag-iisip ang aking mga miyembro ay napagdesisyunan namin na gumawa ng panibagong iskrip ngunit hindi naalis ang diwa, mensahe at kagandahan sa tunay na dula na aming gagayahin at sa aking palagay ay nagawa naman namin ito ng matagumpay. Pangalawa, dahil sa may iba’t ibang responsibilidad at prioridad ang bawat miyembro sa aking grupo ay nahirapan kaming makahanap ng oras o tiyempo kung saan ang lahat ng miyembro ay naroroon at nagawa naman namin ito ng maayos idagdag pa ang kawalan ang interes o atensyon ng iba habang ginagawa namin ang aming Dula, ang iba’y gusto lamang umupo sa gilid, iba nama’y maglaro na lamang ngunit ng sumapit ang ika tatlo ng hapon ay naging maayos naman ang kanilang partisipasyon at nagawa nilang maipakita ang wastong kilos na hinihingi sa tula. Pangatlo, hindi naging madali para sa amin ang maibigay ang tindi ng emosyon na hinihingi sa Dula dahil hindi pa sapat ang aming karanasan para maipadama kung poot, galit , pighati at iba pa na dapat maikapakita sa Dula, ngunit dahil sa nagsasalpukang idea, iba’t ibang teorya at konspeto ay nagawa namin ng solusyon ang problema. Pang-apat, dahil kami’y mga mag- aaral pa lamang ay wala kaming kakayahan upang makabili ng kasuotan o props na kinakailangan sa Dula ngunit likas na sa aming mga kakilala ang pagiging matulungin ay pinahiram nila kami ng mga kasuotan na magagamit namin sa aming Dula at ginabayan din kami sa pag gawa ng mga Props para sa aming Dula. Panglima, ay ang maikling oras na ibinigay lamang sa amin ngunit dahil sa nagkakaunawaan naman ang lahat sa aming pangkat ay nagawa naming pahabain ang oras na ibinigay sa amin.
  Isang palakpak ang alay ko sa aking guro, dahil sa gawaing ito ay pinukaw nito ang mga natatago naming talento, humasa sa aming mga kakayahan, nagbigay katuturan sa bawat isa, nagkaroon ng matatag na relasyon ang bawat miyembro, nakapag-bigay ng tiwala na kakayanin na panindigan ang aming tula.
  Sa muli, isang pagpupugay sa iyo, aming Guro.