Posts

Lights, Camera, Action! πŸ“ΈπŸŽ₯

Image
  Sinasabing ang Dula ay nagsimula sa salitang Griyego na “drama” na nangangahulugang ikilos o isagawa. Isa itong uri ng Panitikan na nahahati sa tatlong yugto na maraming tagpo. Pinakalayunin nitong itanghal ang mga tagpo sa isang tanghalan o entablado.     Ang Dula ayon kay Aristotle ay “isang sining ng panggagaya o pang-iimita sa kalikasan ng buhay”. Ipinapakita nito ang reyalidad sa buhay ng tao gayundin ang kanyang mga iniisip, ikinikilos at isinasaad.   Ayon naman kay Tiongson, “ang dula ay binubuo ng iskrip, kasuotan, tanghalan at karakterisasyon”   Ang gawain sa araw na ngayon ay may kaugnayan sa isa sa mga Uri ng Panitikan, ang Dula. Ito ay “Makapagsagawa/makapagtampok ng isang klase ng maikling Dula sa klase” at tatawagin ang aktibiti na ito na “Lights, Camera, Action! πŸ“ΈπŸŽ₯” Narito ang gabay kung papaano isasagawa ang aktibiti. Story board. Pagkatapos maisagawa ang dula ay narito naman ang batayan sa pagmamarka. ...